Unang Blog
DIY LANTERN
Malapit nang sumapit ang Kapaskuhan.
Ngunit, sa gitna ng pandemya at sunud-sunod na kalamidad, nararapat lamang na ipagdiwang ito dahil sa pagsilang ng Dakilang Manunubos at upang magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga nasalanta ng kalamidad.
Sa proyektong ito, gumamit ng mga materyales na maaring i-recycle sa halip na bumili ng bago at mamahahaling parol. Gayunman, may mga materyales pa ring binili upang makamit ang tamang bilang ng mga materyales o di kaya ay walang nakatabing materyales na maaring magamit sa proyekto.
Mga Materyales na Kakailanganin:
26 na pirasong plastic na tinidor
5 pirasong gluestick
1 boteng white glue
2 500ml basyo ng mineral water
2 350ml basyo ng mineral water
3 kulay ng glitters (ginto, pula, berde)
Beads na kulay ginto
Lace
Manipis na alambre
Nylon
Mga Kagamitan na Kakailanganin:
Glue Gun
Gunting
Brush
Wire cutter
Talahanayan ng mga Nakolekta at Dapat Bilhin na Materyales:
|
Mga Nakolektang Materyales |
Mga Dapat Bilhing Materyales |
|
6 na pirasong plastic na tinidor |
1 bote ng white glue |
|
2 500ml na basyo ng mineral water |
3 kulay ng Glitters |
|
2 350ml na basyo ng mineral water |
5 pirasong glue stick |
|
Beads na kulay ginto |
20 pirasong plastic na tinidor |
|
Lace |
|
|
Manipis na alambre |
|
|
Nylon |
|
Talahanayan ng Presyo ng mga Biniling Materyales:
|
Mga Biniling Materyales |
Dami/Sukat ng Materyales |
Presyo ng Biniling Materyales |
|
White Glue |
125 g |
25.00 |
|
Kulay Pulang Glitters |
60 g |
75.00 |
|
Kulay Berdeng Glitters |
60 g |
75.00 |
|
Kulay Gintong Glitters |
60 g |
75.00 |
|
Glue Stick |
5 piraso |
35.00 |
|
Plastic na Tinidor |
20 piraso |
26.45 |
|
KABUUANG PRESYO |
|
311.45 |
Ang sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng pagkalkula ng halaga ng bawat piraso ng mga biniling materyales:
|
Mga Biniling Materyales |
Halaga at Sukat ng Materyales |
Tinging Presyo ng Materyales |
|
White Glue |
25.00/125g |
0.20/g |
|
Kulay Pulang Glitters |
75.00/60g |
1.25/g |
|
Kulay Berdeng Glitters |
75.00/60g |
1.25/g |
|
Kulay Gintong Glitters |
75.00/60g |
1.25/g |
|
Glue Stick |
35.00/5piraso |
7.00/piraso |
|
Plastic na Tinidor |
26.45/20piraso |
1.32/piraso |
Sa ginawang proyekto hindi lahat ng materyales ay nagamit o naubos. Ang sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng tinatayang dami o sukat ng nagamit na materyales at ang natira dito.
|
Mga Biniling Materyales |
Tantyang Nagamit na Materyales |
Tantyang Natirang Materyales |
|
White Glue |
1/5 ng 125g = 25g |
4/5 ng 125g = 100g |
|
Kulay Pulang Glitters |
2/5 ng 60g = 24g |
3/5 ng 60g = 36g |
|
Kulay Berdeng Glitters |
2/5 ng 60g = 24g |
3/5 ng 60g = 36g |
|
Kulay Gintong Glitters |
1/5 ng 60g = 12g |
4/5 ng 60g = 48g |
|
Glue Stick |
4 piraso |
1 piraso |
|
Plastic na Tinidor |
20 piraso |
0 piraso |
Ang sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng halaga ng mga nagamit na materyales at ang halaga ng mga natirang materyales na maari pang magamit sa iba pang proyekto.
|
Mga Biniling Materyales |
Halaga ng Nagamit na Materyales |
Halaga ng Natirang Materyales |
|
White Glue |
25g x 0.20/g = 5.00 |
100g x 0.20/g = 20.00 |
|
Kulay Pulang Glitters |
24g x 1.25/g = 30.00 |
36g x 1.25/g = 45.00 |
|
Kulay Berdeng Glitters |
24g x 1.25/g = 30.00 |
36g x 1.25/g = 45.00 |
|
Kulay Gintong Glitters |
12g x 1.25/g = 15.00 |
48g x 1.25/g = 60.00 |
|
Glue Stick |
4 piraso x 7.00/piraso = 28.00 |
1 piraso x 7.00/piraso = 7.00 |
|
Plastic na Tinidor |
20 piraso x 1.32/piraso = 26.45 |
- |
|
KABUUAN |
106.45 |
177.00 |
Kaya sa kabuuang ginastos na 311.45
PhP para ipambili ng mga materyales, 106.45 PhP lamang ang nagamit sa
proyekto samantalang may 177.00 PhP pa na halaga ng materyales ang maaring
magamit sa susunod na mga proyekto.
Mga Hakbang:
Gawin ang Frame ng Parol:
- Gamit ang glue gun, pagdikitin ang dalawang ulo ng tinidor.
Gawin ito sa iba pang tinidor. Dapat ay makagawa ng 10 pirasong tinidor na magkakadikit.
- Kumuha ng isang pares ng pinagdikit na tinidor. Idikit ang
mga ito nang magkatabi gamit ang glue stick. Gawin ito sa iba pang pares ng
tinidor. Makagagawa ng limang (5) pares na tinidor na magkakadikit.
- Pagdikitin sa dulo ng mga hawakan ang bawat pares ng
tinidor hanggang sa mabuo ang hugis bituin na frame ng parol.
- Patibayin ang frame sa pamamagitan ng paglalagay ng dagdag na glue ang bawat dugtungan. Subukang patayuin ang ginawang frame para masubukan kung hindi na magkakalas-kalas ang mga dugtungan.
- Kapag natiyak na matibay na ang frame, maingat na alisin
ang mga labis na tulo o hibla ng glue sa frame. Isantabi muna ang frame.
Gawin ang Poinsettia sa Gitna ng Parol.
- Kunin ang dalawang (2) basyo ng 500ml na bote ng mineral water. Parehong gupitin sa gitna ang bote. Huwag itapon ang alinman sa ginupit na bote.
- Gupitin ang katawan ng bote sa limang bahagi. Mag-iwan ng
may isa hanggang dalawang sentimetro sa bawat puno ng ginupit na bote. Matapos
nito, lupiin ang bahagi ng ginupit na katawan ng bote hanggang sa puno nito. Banatin
din ang katawan ng ginupit na bote dahil ito ang magsisilbing dahon ng
poinsettia. Gupitin ang bawat dulo ng ginupit na bote na kahugis ng dulo ng dahon.
Gawin ito sa iba pang bote.
- Pahiran ng glue gamit ang brush ang loob na bahagi ng bote.
Pahiran ng tamang dami ng glue.
- Sabuyan ng glitters ang parte ng bote na nilagyan ng glue. Ang
isang hati ng bote kung saan nakakabit ang takip ay pulang glitters ang
ilalagay samantanlang berde naman ang kabilang bahagi ng bote. Ipagpag ang labis
na glitters at ibalik sa lalagyan. Gawin ito sa isa pang ginupit na bote.
- Kapag nalagyan na ng glitters ang mga bote, patuyuin ito. Ulitin ang proseso ng paglalagay ng glue at glitters ng isa pang beses upang higit na tumingkad ang kulay. Isantabi at patuyuin.
- Kapag tuyo na, kunin ang bote na nilgayan ng berdeng glitters. Lagyan ng glue na hugis bilog sa loob nito na kasinglaki ng bibig ng bote kung saan nakalagay dati ang takip. Lagyan ng kulay ginto na glitters ang parting ito. Gawin din ito sa isa pa. Isantabi at patuyuin.
- Kapag natuyo na ang glue na nilagyan ng kulay gintong glitters, kumuha ng kulay gintong beads at idikit ang mga ito sa glue stick ng magkakapatong sa loob ng gintong gitters. Gawin din ito sa isa pa.
- Lagyan ng glue stick ang palibot ng gintong glitters. Kunin
ang ginupit na boteng nilagyan ng pulang glitters at idikit ito. Tiyakin na ang
bawat ‘dahon’ ng bote ay salitan ang pagkasalansan kapag pinagdikit ang dalwang
hati ng bote. Patuyuin ang glue stick at bahagyang diinan upang matiyak na matibay
ang pagkakadikit nito. Gawin ito sa isa pang bote.
- Lagyan ng glue stick ang ilalim ng isang bote at pagdikitin.
Gawin ang Buntot ng Parol.
- Kunin ang dalawang (2) maliit na basyo ng mineral water. Gupitin ang mga ito sa sukat na apat (4) na pulgada mula sa takip nito. Kunin ang kahati ng bote na may takip. Gupitin ang katawan nito sa walo (8) at gupitin din ang bawat dulo nito na kahugis ng dulo ng dahon. Lupiin ang mga ito.
- Pahiran ng glue ang buong labas ng ginupit na mga bote maging
ang mga takip nito. Sabuyan ang mga ito ng kulay gintong glitters. Isantabi at
patuyuin.
- Kunin ang nalalabing anim (6) na tinidor. Pagdikit-dikitin
ang tatlong tinidor mula sa puno ng hawakan nito at ang magkakatabing gilid
nito. Gawin din ito sa natitirang tatlong (3) tinidor at patuyuin.
- Kunin ang pinatuyong bote na sinabuyan ng kulay gintong glitters. Baliktarin ito at lagyan ng glue stick ang takip nito at idikit ang pinagdikit-dikit na tatlong tinidor mula sa puno nito. Alalayan ang tinidor upang manatiling nakatayo ito hanggang sa matuyo ang pandikit. Gawin dito ito sa isa pa.
Buuin ang Parol.
- Dikitan ng lace ang bawat dulo ng frame na tinidor.
- Ipuwesto ang ginawang Poinsettia sa gitna ng frame ng
parol. Idikit sa frame ang berdeng ‘dahon’ ng Poinsettia sa frame ng parol.
- Lagyan ng manipis na alambre ang dalawang (2) ‘paa’ ng parol.
Idikit sa pamamagitan ng glue stick ang dulo ng manipis na alambre sa ibabaw ng
ginawang buntot ng parol. Gawin ito sa kabilang ‘paa’ ng parol.
- Lagyan ng tali sa tuktok ang parol. Maaring dikitan ng lace
ang manipis na alambre para maitago ito. Isabit ang parol.